Pinigilan ng Korte Suprema ang probisyon ng unprogrammed appropriations at Special Road Fund na nagbibigay ng karapatan sa Pangulo na basta-basta na lamang mag-abot ng mga sobrang kita ng gobyerno para sa 2026 national budget.

Sa panayam ng Bombo Radyo, nagpahayag si Duterte Panagutin Campaign Network Convenor Atty. Jojo Lacanilao na sa ilalim ng Operative Fact Doctrine, Kongreso lamang ang may tanging kapangyarihan sa pagtukoy kung saan ilalabas ang pondo at hindi ang Ehekutibo.

Sa pamamagitan nito, ipapatigil na ang paggastos sa mga naturang pondo upang maiwasan ang pag-abuso sa kapangyarihan at upang matiyak na hindi lalapastanganin ang probisyon ng Konstitusyon.

Samantala, binigyan man pa rin ang Malacañang ng sapat na paraan sa pag-aloka ng pondo ngunit kinakailangang alinsunod ito sa mga bagong alituntunin kung mayroon mang karagdagang kitang darating sa bansa.