CAGAYAN DE ORO CITY-Patuloy paring umaakyat ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Northern Mindanao.

Base sa isinagawang COVID-19 briefer nitong araw, 12 na naman ang nadagdag sa talaan kaya’t nasa 914 na ang mga nahawaan ng coronavirus sa rehiyon.

Naitala rin ang walong local cases sa Lanao, anim sa Iligan City at isa sa Misamis Oriental.

Nasa 491 naman sa kabuuhang bilang ang nakarekober sa COVID-19 matapos ang gamutan at quarantine sa mga pasyente.