CAGAYAN DE ORO CITY – Pinalakas pa ng pamilya Dormitorio ang mga kaso na isasampa nila laban sa pitong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) at dalawang doktor sa piskalya sa prosecutor’s office sa Baguio City.
Ito ay kahit satisfied ang pamilya sa ginawa na paghahanda ng pulisya sa kasong paglabag sa anti-hazing law and or murder at anti-torture act laban sa grupo ni PMA Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Dexter Dormitorio na mayroon sila ipinapa-improve sa kanilang private lawyers sa bahagi ng kaso upang hindi mabasura sa kalaunan kung aabot na sa korte.
Inihayag ni Dormitorio na wala na silang mahihiling pa sa ginawa na pagsisikap ni Baguio City Police Office Director Col Alllen Rae Co dahil nakikita nila kung paano tinatrabaho ang pagbuo ng mga kaso upang mabigyang hustisya si late PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.