CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatitiyak ni PNP Chief Director General Archie Gamboa na mapanagot ang rebeldeng New People’s Army (NPA) na tumambang sa kanilang mga tauhan na nag-resulta nang pagkasawi sa isang pulist at tatlo ang sugatan sa Sitio KM 26,Barangay Tikalaan,Talakag,Bukidnon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office-10 Director Brigadier General Rolando Anduyan na hindi naitago ni Gamboa ang pagkagalit nang malagasan ng tauhan dahil pa-traydor na pinaulanan ng mga bala ng nasa 12 na NPA rebels.
Inihayag ni Anduyan na pinaiimbestigahan rin ng kanilang senior officials kung bakit natunugan ng mga rebelde ang presensiya ni Eastern Mindanao Command-Directorate for Integrated Police Operations deputy director Police Brigadier General Joselito Salido na magsagawa sana ng administrative work sa Northern Mindanao.
Dagdag ng opisyal na pinamadali ang paglikom ng mga kaukulang mga ebedensiya upang magamit pagsampa nila ng kasong paglabag ng International Humaniatrian Law sa korte laban sa mga rebelde.
Magugunitang sa mismong crime scene,narekober ng militar at pulisya ang mga bala ng M16,M14 rifles,pagkain,gamot at personal na kagamitan ng mga rebelde na tila ilang araw na hinihintay ang pagdaan sa convoy ni Salido.
Kung maalala,dead on the spot sa ambush si Cpl Ruel Sumaylo nang tamaan ang mukha ng M-16 habang naka-return fire naman bagamat sugatan sina Capt Ramil Gighe,Staff Sgt Gerwin Gemilla,Senior at Master Sgt Jovanie Malinab na nagsilbing security escort sakay ng police patrol sa convoy ni Salido kahapon ng umaga.