Isinisigaw ng Moro Consensus Group ang agarang pagtatayo ng Independent Truth Commission upang maimbestigahan ang totoong dahilan ng pagkakagulo sa Marawi Siege siyam na taon na ang nakalipas.

pinahayag ni Chairman Drieza Lininding na nananatiling nakatago sa dilim at pag-aalinlangan ang mga kaganapan bago ang kaguluhan at ang kabiguan sa seguridad ng lungsod.

Dagdag pa ng opisyal, nakalulungkot na nagbibingi-bingihan lamang ang pamahalaan at ang Kongreso sa pagbibigay ng tamang sagot at katarungan sa pagkawasak ng komunidad.

Dahil dito, nanawagan ang grupo sa mabilis na pagsusuri upang sa wakas ay mabigyan ng kapayapaan at kalayaan sa sakit ang libo-libong bakwit sa Marawi.