Umiikot at nagbabantay na sa mga kalsada, terminal, at daungan ang mahigit isang libong composite personnel sa lungsod ng Cagayan de Oro para sa Oplan Undas 2026.

Ibinunyag ni City Councilor Roger Abaday, Chairman ng Committee on Police, Fire, and Public Safety, na pormal nang ipinakatap ang naturang pwersa mula sa COCPO, Task Force Oro, Philippine Army, RTA, CDRRMD, CLENRO, at mga barangay tanod kagahapon.

Ipinaliwanag ng konsehal na bukod sa mga sementeryo, nagsasagawa rin ng mobile patrol at roving inspection sa Agora at Westbound Terminal sa Bulua kung saan nagdudumog ang libo-libong bumiyahe at pasahero.

Kaugnay ng kumpirmasyong walang kahit anong banta ng terorismo sa lungsod, mas itinutok ng mga awtoridad ang pagmamanman laban sa banta ng pagnanakaw at maliliit na kriminalidad. Dahil dito, tiniyak ng tanggapan na kontrolado at nananatiling payapa ang buong lungsod.