Nilinaw at binatikos ng Chairman ng Professional Regulatory Board of Criminology na si Atty. Ramil Gabao ang kontrobersyal na isyu ng slot for sale sa recruitment ng Bureau of Fire Protection kung saan may mga nagbayad at bumili ng posisyon.
Ipinahayag ng opisyal ang malaking kalungkutan at kadismaya para sa mga registered criminologist na naapektuhan ng ilegal na gawain matapos sampahan na ng kaso sa korte ang ilang opisyal ng ahensya.
Nilinaw ng opisyal na ayon sa batas na RA 11131, libre at exempted na sana sa anumang entrance exam ang mga lisensyadong criminologist na gustong pumasok sa mga public safety agency.
Idinagdag pa ng opisyal na ang pagtanggi ng BFP sa batas at ang pagpapatupad ng hindi makatarungang patakaran ang nagpahirap at nagkait sa karapatan ng mga nangangarap na maglingkod sa bansa.











