Kinuwestiyon ni dating Cagayan de Oro City Mayor Atty. Oscar Moreno ang kredibilidad ng ilang testigong iniharap ng kampo ng depensa sa impeachment trial laban kay Bise Presidente Sara Duterte.
Ibinunyag ni Moreno na may malilinaw na butas at suliranin sa mga pahayag ng assessor ng Davao, assessor ng Samal, City Accountant, at ni Atty. Suzette Balucanag Punay sa ginanap na mga pagdinig. Idinagdag ng abogado na ang kakulangan ng malinaw na sagot ng mga testigo ng depensa ay nagpahina sa kanilang paninindigan sa harap ng impeachment court.
Ayon kay Moreno, mahalaga sa isang paglilitis na matibay at magkakatugma ang mga sagot ng mga testigo upang hindi magduda ang mga senator-judge sa totoong takbo ng mga transaksyon.











