Nakaharap sa banta ng posibleng krisis sa konstitusyon ang nagpapatuloy na impeachment proceeding laban kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng mainit na isyu tungkol sa voting threshold sa Senado.

Tumutol si private lawyer Attorney Adonis Gumahad sa planong pagpapababa ng threshold sa 14 na boto mula sa standard na 2/3 requirement dahil labag umano ito sa malinaw na probisyon ng batas.

Ipinalwanag ng abogado na ang batayang 2/3 ay kailangang ipatupad sa lahat ng 24 na miyembro ng Senado kahit sa mga senador na nakakulong o nasa medical leave.

Dahil dito, inihain ni Atty. Gumahad ang pag-asa na magdesisyon agad ang Korte Suprema sa iniharap na petisyon ni Attorney Vic Rodriguez bago mangyari ang botohan ng mga senador upang maiwasan ang kaguluhan sa legal na proseso.