CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbabala ang NGCP na kritikal na ang suplay ng kuryente sa Mindanao matapos ibaba sa red alert status ang linya dahil sa pagkasira ng higit 20 planta.

Ayon kay Mae Curiano, kung hindi magtitipid ang publiko sa gitna ng matinding init at mataas na demand, mapipilitang magpatupad ng rotational brownout ang ahensya.

Ipinaliwanag niyang dapat iwasan muna ang paggamit ng mga kagamitang malakas kumonsumo ng kuryente.

Patuloy na nasa red at yellow alert ang rehiyon.

Nakadepende ang pag-angat ng alert status sa pagbawas ng konsumo ng publiko at sa pagbabalik ng mga nasirang planta.