“Kung hindi masosolusyunan ang pagtaas ng presyo ng langis, mapipilitan kaming magwelga at walang biyahe sa kalsada!”—Ito ang ipinahayag ni UNIDA President Joel Gabatan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ng opisyal na wala na silang nakikitang ibang paraan upang pakinggan ng pamahalaan ang kanilang 3 alituntunin at hinihiling kundi ang magsagawa ng kilos-protesta. Upang maiwasan ang naturang welga, pangunahing hiling ng kanilang grupo ang karagdagang 2 piso sa pamasahe upang maging 15 pesos ang pinakaminimum na pasahe. Dagdag pa ni Gabatan, kinakailangan ding alisin ng pamahalaan ang 12 porsyentong VAT sa petrolyo at baguhin ang Oil Deregulation Law upang mabuhay ang mga tsuper ngayong panahon ng krisis.











