CAGAYAN DE ORO CITY-Sinampahan na ng kasong homicide ang isang laborer na pumaslang sa kanyang kamag anak sa Sitio Kisabong Agusan Canyon Manolo Fortich Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Dever Bolona, 35, at residente sa naturang lugar.Sinabi ni Manolo Municipal Police Station investigator Staff Sgt. Lemuel Tampan nagkainitan ang dalawa habang nag iinuman at binantaan umano ng biktima ang suspek.

Ayon kay Tampan matapos ang inuman, habang papauwi biglang tinaga ni Bolona gamit ang lagaraw si Junel Jaramillo, 24, katulad rin niyang laborer at nakatira rin sa nasabing lugar.

Depensa ng suspek, inunahan niya sa pagtaga ang biktima matapos siyang pagbantaan.

Nagtamo ng tama sa leeg ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.