CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang isang lalaki matapos masaksak nang umawat lamang umano sa nangyaring kaguluhan habang naghihintay sa pagsalubong ng bagong taon Disyembre 31, 2024 sa Barangay Lumbia nitong lungsod.
Kinilala ang biktima na si Ariel Cabaluna, 27-anyos at residente sa Block 12, Lot 3, Xavier Ecoville sa naturang barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na nag-iinuman ang biktima kasama ang kanyang mga kabarkada nang biglang sumiklab ang kaguluhan.
Sinubukan umanong awatin ng biktima ang nagkainitan na magkainuman ngunit bigla siyang sinaksak.
Patuloy paring beniberipika ng mga pulis ang napaulat na love triangle ang punot-dulo ng gulo na nagresulta sa pagkasawi ng isang buhay.
Agad namang nahuli ang dalawang suspek na nakatakda nang sasampahan ng kaso.