CAGAYAN DE ORO CITY-Hinuli ng pulisiya ang isang 28-anyos na lalaki matapos umano itong nag-masturbate sa loob ng isang internet cafe sa Cogon area dito sa lungsod.

Kinilala lamang ang suspek sa pangalang Danilo, binata at residente ng bayan ng Laguindingan, Misamis Oriental.

Siya ay hinuli ng pulisiya dahil sa sumbong umano ng isang walong taong gulang na batang babaye na nakakita sa ginawa nitong kabastosan habang nanono-od ng malalaswang video sa computer.

Nakaramdam rin ng ‘trauma’ ang batang muslim dahil sa kanya umano pinahid ng suspek ang semilya nito.

Ngunit sa panayam ng Bombo Radyo, mariing itinanggi ng suspek ang paratang ng bata.

Aniya, pumasok lamang siya sa internet cafe habang naghihintay sa oras ng konserto ng kanyang idolong aktor na si Coco Martin.