CAGAYAN DE ORO CITY – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaking paralisado matapos makulong sa nasunog na bahay sa Purok-1, Brgy. Malipayon, Pangantucan, Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Melchor Silverio, 57, may asawa at residente sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na sinadya umano ng biktima ang pagsunog ng kanilang bahay dahil sa depresyon.

Sinubakan pa umanong isalba ng mga kapit-bahay ang biktima ngunit nabigo ang mga ito dahil naka-kandado ang pinto ng bahay.

Tinatayang nasa P180k ang danyos sa naturang insidente.