CAGAYAN DE ORO CITY –Naka-self isolation ngayon si Lanao del Sur Governor Mamintal ‘Bombit ‘ Adiong Jr kasama ang tatlong close-aide nito sa Amai Pakpak Medical Center ng Marawi City.

Ito ay matapos mismo siya ang nagkompirma sa pa pamamagitan ng kanyang Facebook post na nagpositibo ng bayrus.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ng kanyang kaanak na si Zia Alonto Adiong,miyembro ng parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nahawaan ang gobernador dahil sa close contact rin nito na unang nagpositibo ng bayrus.

Inihayag ni Adiong na bagamat nasa hindi naman malubha na kalagayan ang gobernador habang naka-hospital quarantine.

Magugunitang nasa 11 na ang kompirmadong namatay sa Lanao del Sur dahil sa bayrus at hindi pa kasali sa bilangan ang dalawang pumanaw noong nakaraang araw.