CAGAYAN DE ORO CITY-Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa kalansay na nakita sa Dicklum River, Sitio Awol, Brgy Lunocan, Manolo Fortich Bukidnon.

Sinabi ni Manolo Fortich Municipal Police Station Commander Major Noel Cano na posibleng lalaki ang kalansay dahil sa suot nitong sleeveless at short pan na panlalaki.

Ayon kay Major Cano, sa kanilang inisyal na imbestigasyon, posible umanong lasing ang biktima at nahulog sa sapa kayat nalunod at namatay anim na buwan na umano ang nakaraan.

Sa ngayon, wala pang nag-claim sa kalansay at posible umanong dayo lamang sa lugar ang biktima.

Nanawagan ang naturang police official sa mga taong nawalan ng miembro ng pamilya na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.