CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli na pagsagawa ng mass testing kaya hindi napigilan ang mabilis na paglobo ng positibong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang Estados Unidos.

Photos from Philippine Consulate Deputy Consul General Kerwin Tate

Ito ay matapos nanatiling nangunguna na ang Amerika sa higit 200 bansa na nahawaan ng bayrus simula nang nadiskobre ang pinagmulan nito sa Wuhan City,China taong 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Philippine Consulate Deputy Consul General Kerwin Tate na batay sa mga pahayag ng US officials na hindi umano agad nakapagsagawa ng istritko na health measures ang bansa kaya mabilis ang pagtama ng bayrus sa mga residente.

Inihayag ni Tate na mismo lamang sa New York City na kadalasan sa mga tao ay sumakay ng sub-way transport at mga bus ay napakadali na natamaan ng bayrus.

Hindi pa umano kasali rito ang taglamig na panahon na dinaras ng Amerika nang tuluyang makapasok ang COVID-19.

Una nang nakaranas ng inisyal na tres trilyon dolyares na pagkalugi ang ekonomiya ng Amerika bunsod ng coronavirus.


Magugunitang sa data ng World Health Organization, nasa 240,344 na ang positibong kaso kung saan 5,807 na ang namamatay habang 5,421 ang kritikal at 10,365 ang naka-rekober na mga pasyente.