Ipinaliwanag ni Atty. Samson So Tan na hindi basta maaaring dakpin si VP Sara Duterte dahil isa siyang impeachable officer na protektado ng kanyang posisyon.
Binanggit niyang maaaring gamitin ng kampo ang Supreme Court upang ibasura ang inilabas na warrant.
Sa interview ng BOMBO RADYO sinabi ng propesor ng abogasiya ay criminology na ang pag-abuso sa kapangyarihan ang ginawa ng korte sa mabilis na aksyon laban sa bise presidente.
Kinuwestyon din niya ang pagmamadali sa proseso dahil wala pang pormal na kasong kriminal na inihahain laban kay VP Sara.
Dagdag pa ni Tan, ang ganitong hakbang ay nagdudulot ng pangamba sa integridad ng sistemang legal.











