CAGAYAN DE ORO CITY – Pangununahan ng dalawang special committees ng Bicol Region at Northern Luzon ang isasagawang imbestigasyon ng Kamara ukol sa malawakang pagbaha na bunsod ng bagyong Ulysses dahilan na nagsi-release ng malaking porsyento ng tubig ang ilang water dams na nakaapektong masyado sa probinsya ng Cagayan Valley at Isabela.

Ito ay kaugnay sa pagsisimula na ng House investigation in aid legislation kung saan ipinatawag na ang mga ahensiya ng gobyerno,local government officials at ilang kumakawan ng water dams na nasa likod ng pag-release ng mga tubig kaya abot pa hanggang Metro Manila ang mga pagbaha noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni House Deputy Speaker at Cagayan de Oro 2nd District Rep Rufus Rodriguez na ang special committees ng Bicol Recovery and Economic Development at North Luzon Growth Quadrangle umano ang mangunguna sa imbestigasyon upang tukuyin ang mga dapat malaman sa nabanggit na pangyayari.

Inihayag ni Rodriguez na hindi pa nga kasali rito ang kanyang inihain na resolusyon na magpapa-imbestiga rin sa mabilisan na pagpapakawala ng mga tubig partikular sa Magat dam na pinalubog ang Isabela at Cagayan Valley provinces.

Una nang sinabi ni Rodriguez na malaki ang posibilidad na madadali rito ang National Irrigation Administration kung bakit hindi napigil ang mga pagpakawala ng malaking volume ng tubig mula sa pangunahing water dams ng Luzon region.

Si House Deputy Speaker at Cagayan de Oro 2nd District Rep Rufus Rodriguez

Nakatakdang sisimulan ang pormal na pagdinig sa Nobyembre 24 sa harap ng binuo na special committee para sa usaping ito.