Kinakailangang ipaskil sa lahat ng pampublikong sasakyan ang opisyal na fare matrix upang maprotektahan ang mga komyuter laban sa overcharging at patakarang paniningil ng pamasahe ayon sa LTFRB Region 10.

Giklaro ni LTFRB Region 10 Director Aljo Bendijo na walang bayad at libreng ma-download o ma-print ang gabay mula sa opisyal na website at social media page ng ahensya.

Ipinaliwanag ng opisyal na hindi na dapat magdahilan ang mga drayber at operator na walang nakapaskil na taripa dahil libre at madaling makuha ang dokumento.

Samantala, ipinagbigay-alam din ng tanggapan na aabot na sa 65 pesos ang pamasahe sa taxi, kung saan mananatiling libre ang pagkuha ng kinakailangang add-on matrix habang isinasagawa ang calibration.