Sinimulan na ngayong araw ang libreng sakay habang hinarangan laban sa mga pribadong sasakyan ang loob ng City Memorial Park sa Bolonsori, Cagayan de Oro.
Ibinunyag ni City Information Officer Jade Adeser na magpapatuloy ang libreng sakay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kung saan bibigyan talaga ng prayoridad ang mga PWD, senior citizen, buntis, at mga bata.
Ipinaliwanag ng opisyal na ang mga red-plate lamang na sasakyan ng Incident Management Team ang pwedeng makapasok upang maiwasan ang matinding pagsisikip ng trapiko.
Dahil dito, ipinaalala ng lokal na pamahalaan sa lahat ng dadalaw na maglakad na lamang mula sa pinto at igalang ang inilabas na alituntunin ng lungsod.











