CAGAYAN DE ORO CITY – Nadagdagan na naman ang bilang ng mga magsasaka na brutal na pinatay sa probinsiya ng Bukidnon.

Ito’y matapos pinagbabaril-patay ng dalawang suspek ang lider ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Northern Mindanao (KMP) Bukidnon chapter na si Leonides Bacong, 63-anyos at residente ng Little Baguio, San Fernando, Bukidnon.

Base sa report, nagpanggap na panauhin ng biktima ang mga suspek at pinatay ito sa loob ng kaniyang bahay.

Nagtamo ng tama sa kaniyang leeg ang biktima na siyang dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.

Patuloy ang imbestigasyan ng pulisya sa motibo at kung sino ang mga suspek ng nasabing krimen.