CAGAYAN DE ORO CITY – I-denepensa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kautusan ni President Rodrigo Duterte na ipatupad ang temporary travel ban sa bahagi ng China papasok sa bansa.
Ito ay matapos napasukan ng corona virus ang Pilipinas at nagtala ng isang fatality na Chinese national habang ginagamot dahil nakitaan ng sintoma simula noong nakaraang Enero 2020.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lorenzana na kailangan ito habang hindi pa humupa ang paglaganap ng sakit.
Inihayag ni Lorenzana na bagamat marami pa namang bahagi sa China ang hindi apektado sa bayrus at maaring makapunta sa bansa.
Subalit nilinaw ng kalihim na lahat ng mga banyaga na nagmula sa ibang bansa na positibo ng bayrus na sasabak ng medical isolation sa loob ng 14 na araw upang masiguro na hindi sila makagdagdag ng kaso.