Nagbabala ang Bureau of Fire Protection Cagayan de Oro sa pamamagitan ni Chief Intelligence and Investigation Fire Inspector Mary Ranelie Ladrillo Salga ukol sa mas mataas na peligro ng sunog sa mga tahanan dahil sa patuloy na pag-init ng panahon at pagdating ng El Niño.

Hiniling ng opisyal sa publiko na iwasan ang pagsisiga malapit sa mga bahay na gawa sa light materials habang pinagbabawalan ang mga bata na maglaro ng pospors, lighter, at kandila.

Binigyang-pansin din ng tanggapan ang pagsusuri sa mga linya ng kuryente at Christmas lights lalo na ngayong ber-months upang maiwasan ang electrical ignition at overloading sa tahanan.

Dahil sa banta ng sunog, ipinaalala sa mga pamilya na itabi ang numero ng pinakamalapit na fire station para sa mabilis na paghingi ng tulong sa oras ng sakuna.