Kailangan ang tuloy-tuloy na Threat Assessment sa mga paaralan upang agad matukoy ang mga banta at posibleng panganib na maaaring humantong sa krimen, ayon kay Dr. Warren Corpuz ng Professional Regulatory Board of Criminology.
Binanggit ng opisyal ito sa gitna ng sunod-sunod na insidente ng pamamaril sa mga paaralan sa bansa na nakaapekto sa buhay at kaligtasan ng mga estudyante at guro.
Ayon sa board member, makatutulong ang mga criminologist sa mga administrador ng paaralan sa pagtukoy ng banta at pagbibigay ng payo upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng mga institusyon.
Dagdag pa, mahalaga rin ang pagsusuri upang maunawaan ang mga dahilan na nagtutulak sa kabataan na gumawa ng krimen at maiwasan ang kahalintulad na insidente.











