Inirekomenda ng LTFRB-10 at PDEA ang pagsasagawa ng biglaang drug test kada tatlong buwan sa lahat ng transport terminals sa Northern Mindanao upang linisin ang mga kalsada mula sa mga delikadong drayber.
Ibinunyag ni LTFRB-10 Regional Director Aljo Bendijo na plano pa nga nilang gawing buwan-buwan ang naturang operasyon matapos may ilang drayber na nagpositibo sa isinagawang inspeksyon sa Agora at Bulua terminals.
Idinagdag ng opisyal na walang dahilan ang paggamit ng pampagising na droga dahil kinakailangang magpahinga at kumuha ng reliever driver ang mga kompanya ng bus at van.
Hamon ngayon ng ahensya sa buong sektor ng pampublikong transportasyon na tiyakin ang kaligtasan at healthy living sa bawat biyahe.











