CAGAYAN DE ORO CITY – Sasampahan ng patung-patong na mga kaso ang mag-ama na negosyante na mula sa bayan ng Ramain,Lanao del Sur na naaresto sa ikinasa na entrapment operation nang pinag-isang operation ng law enforcement agencies sa loob ng puerto ng Barangay Macabalan,Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos naaresto dahil gumamit ng peke na resulta ng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) laban sa impeksyon na dala ng COVID-19 upang makalusot patungong probinsya ng Bohol.
Kinilala ni Regional Epidemiologist Survillance and Disaster Response Unit -10 chief Jasper Kent Ola ang mga suspek na sina Manguntawar Adiong,57 anyos,may-ari ng ilang lokal na mga negosyo sa Mindanao at Visayas kasama ang anak na si Jeremy Adiong,19 anyos na mula sa Lanao del Sur pero kasalukuyang nakitira sa Villa Candida,Barangay Bulua nitong syudad.
Sa panayam ng Bombo Radyo,sinabi ni Ola na naaresto nila kasama ang PNP at ibang ahensiya ng gobyerno ang mag-ama matapos nagbigay-alerto ang IATF-Bohol dahil sa kaduda-duda na mga impormasyon na nakasaad sa RT-PCR documents ng mga ito.
Inihayag ng opisyal na dahil rito ay kakasuhan nila ang dalawa sa paglabag ng The Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at maging falsification of public documents sa piskalya nitong lungsod.
Samantala,iginiit naman ng mga suspek na totoo na hawak nila ang nabanggit na mga dokumento subalit wala umano silang alam na peke ang kanilang ginamit na RT-PCR dahil ang nais lamang nila ay makapunta sa Bohol para maniningil ng mga utang sa mga negosyo roon.
Pansamantala na naka-kustodiya muna sa mini-cell ng Cagayan de Oro City Police Office ang dalawa na umano’y nagmula sa malaking angkan na nakabase sa Lanao del Sur.