CAGAYAN DE ORO CITY – Nasampahan ng kasong paglabag ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) ang mag-asawa na umano’y nasangkot ng malawakang pagtutulak ng ilegal na droga sa bayan ng Wao,Lanao del Sur.
Ito ay matapos ikinasa ng PNP Drug Enforcement Unit kasama ang Lanao del Sur Provincial Police Office ang anti-illegal drug buy bust operation laban sa suspected bigtime drug dealers na sina Busran Saripada Busran alyas Commander Manong,64 anyos at Monira Alipapa Ampatua,46 anyos na kapwa residente sa Purok 2,Barangay West Kilikili,Wao,Lanao del Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Sur PNP Director Col Rex Derilo na mismo ang kanilang tauhan mula Wao Police Station ang naghain ng kasong kriminal laban sa mga naarestong mag-asawa.
Una nang nakompiska mula sa mga suspek ang isang kilo ng suspected shabu na tinatayang mayroong street value na halos P7 milyon.
Hindi ito ang una bagamat ilang beses na mayroong mga naaresto ang tropa ng PNP at kaya’y PDEA-BARMM na suspected drug personalitites kung saan hindi bumaba sa tig-isang kilo ng hinihinalaang shabu ang makokompiska nila bawat pagpatupad ng anti-illegal drug buy bust operations sa loob ng taong ito.