CAGAYAN DE ORO CITY-Tadtad ng bala ang mister at pinagsasaksak naman ang asawa nito sa San Jose, Quezon Bukidnon.

Kinilala ang mga biktima na sina Wilfredo at Marry Grace Amarillo na residente ng Brgy Lilingayon, Valencia City sa naturang lalawigan.

Sinabi ni Quezon Municipal Police Station Commander Major Mitchell Clemencio na unang dinukot ang dalawa ng hindi pa nakikilalang mga responsable at iniwan na lamang na lugar na wala ng buhay ang lalaki.

Habang makalipas ang ilang minuto ay namatay din ang babae dahil sa tinamo nitong mga saksak sa katawan.

Patuloy pang iniimbestigasyan ng pulisiya ang insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at malaman ang motibo sa krimen.