CAGAYAN DE ORO CITY – Naaresto ng PDEA 13 at PDEA 10 ang mag-asawa na tinukoy na top 1 at top 2 na Directorate for Intelligence (DI) listed personalities sa Caraga Region sa kanilang tinitarahang bahay sa Acacia Street,Barangay Carmen,Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos ikinasa nila ang pinag-isang raid laban kina Agapito Campos Gomez alyas Agap at Betsie Gomez Avila alyas Menden dahil sa walang humpay na pagtutulak ng ilegal na droga kahit nasa lungsod na.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PDEA-10 asst regional director Benjamin Recites na nasamsam nila mula sa posisyon ng mga suspek ang nasa P136,000 na halaga ng 19 na suspected shabu.

Inihayag ni Recites na isang taon na sinusundan ng PDEA-13 ang mag-asawa at dahil sa sobrang sunog na ang mga ito sa Caraga Region ay pumasok sila sa Cagayan de Oro City at umano’y nagpapatuloy sa kanilang ilegal na gawain.

Una nang iginiit ng mag-asawa na nagbabago na umano sila at nag-shift na ng panibagong negosyo subalit batay sa PDEA intelligence monitoring,mismo mula sa kanila pa rin ang pinanggalingan ng ilang malakihang shabu supply.

Si PDEA-10 asst regional director Benjamin Recites

Nakatakdang sasampahan ng kasong paglabag ng Dangerous Drugs Act of 2002 ang mag-asawa sa piskalya nitong lungsod bago itutungo rin sa Caraga Region dahil sa pending na kinaharap na criminal cases sa Surigao provinces.