CAGAYAN DE ORO CITY – Naaresto nang isinilbi ng militar at pulisya ang warrant of arrests laban sa mag-asawang high ranking officials ng New People’s Army (NPA) at ibang dalawa pa saginawa na operasyon sa Barangay Alagatan,Gingoog City,Misamis Oriental.
Kinilala ni 58th IB,Philippine Army commander Lt Col Ricky Canatoy ang mag-asawa na sina Manuelito alyas Mosong,56 at Merlyn Satur alyas Maya na residente sa lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Canatoy na si Mosong na taga-Barangay San Luis ng Gingoog City ay ang tumatayo na kasalukuyang kalihim ng Sub-Regional Committee 1 ng North Central Mindanao Regional Committee habang si Maya na tubong Barangay Kibanban,Balingasag ay secretary naman ng Guerilla Front Huawei ng kilusan na kadalasan maka-engkuwentro ng government troops nitong lalawigan.
Sinabi ng military official na nahuli rin nila si Fidel Guinahon Romania alyas Johnson na taga-Barangay Umagos,Lagonglong at Floramae Llagas Domo alyas Sayros na residente sa Barangay Quezon,Balingasag na kapwa medical staff ng mag-asawa.
Dagdag ni Canatoy na naaresto ang apat dahil nahiwalay ang mga ito noong unang nagka-engkuwentro ang dalawang panig sa katulad na lungsod kung saan napatayan ang kalaban ng gobyerno at nakompikashan ng tatlong powerful firearms.
Nakompiska naman mula sa arestadong mga rebelde na mayroong pending na tig-tatlong counts ng murder at frustrated murder ang M4 rifle;M203 grenade launcher;40mm grenade;calibre 45;13 celphones;power bank,SD cards at mga dokumento.
Si alyas Mosong ay mayroong kasalukuyang patong sa ulo na higit P4 milyon dahil sa mga kaso na kinaharap nito sa magkaibang korte dito sa rehiyon.