Ikinalungkot ng United Drivers Association (UNIDA) ang malaking distansya at pagkakaiba-iba ng presyo ng gasolina sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Misamis Oriental sa gitna ng ipinatutupad na rollback.
Ibinunyag ni UNIDA President Joel Gabatan na nakapagtataka kung bakit ang mga gasoline station sa mga malalayong bayan tulad ng Balingasag at Initao ay mas mura pa kaysa sa mga istasyon sa lungsod ng Cagayan de Oro kung saan mas malapit ang suplay.
Kinuwestiyon din ng opisyal kung bakit hindi magkakasundo at hindi pareho ang rollback na ipinatutupad sa bawat brand ng petrolyo, kung saan nagpapakita lamang ito ng kaguluhan at kakulangan sa regulasyon sa industriya ng langis.











