CAGAYAN DE ORO CITY – Kinasuhan ng state forces ang anim na magka-pamilya na umano’y mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na unang naaresto sa road checkpoint ng militar at pulisya sa kahabaan ng Lagonglong,Misamis Oriental na pakay sana papasok sa Bukidnon.
Ito ay matapos nakunan ang mga nabanggit na NPA combatants ng ilang powerful firearms at eksplosibo na unang ibinabaon sa lupa.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 58th IB,Philippine Army commander Lt Col Ricky Canatoy na maliban sa warrant of arrest ng kasong kidnapping with serious illegal detention,kinaharap din ni Jemar Hilogon alyas Siatam ang illegal possession of firearms at illegal possession of explosives sa piskalya nitong lungsod.
Sinabi ni Canatoy na maliban pagka-aresto kay alyas Siatam na kumander ng Platoon Cherry Mobile ng Guerilla Front Huawei ng North Central Mindanao Regional Committee,nahuli rin ng mga otoridad sina Rubensito Hilogon alyas Mikot na tumatayo na kumander ng Militia ng Bayan;Jobert Hilogon alyas Janggo;isang menor de edad;Jocelyn Hilogon alyas Jocelyn Hilogon Cabusog at Alice Calimbay Hilogon.
Una na ring inamin ni alyas Siatam na malaki ang kanyang pagsisi na pinasok nito ang armadong kilusan dahilan na nadamay ang iba na mga kaanak nito.
Magugunitang kabilang sa mga baril na hawak na ng mga otoridad mula sa magkamag-anak na NPA fighters ay ang M-14;Garand rifle;AK-47 rifle;dalawang rifle grenades at assorted ammunitions o mga bala.