CAGAYAN DE ORO CITY – Kalunos-lunos ang sinapit na pagkasawi ng magkapatid na paslit nang masunog ang kanilang bahay habang natutulog sa Sitio Panamukan,Barangay San Jose,Malaybalay City,Bukidnon.
Ito ay matapos hindi nakayananng mailigtas ng nakakatandang kapatid ang mga biktima na sina Angel Grace,5 at Divine Grace Marcelino,7 nang magliyab ang kanilang gawa sa mga kahoy na bahay epekto sa ginamit na sinindihang lampara.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Malaybalay City Bureau of Fire Protection Marshall Senior Insp Lloyd Villaroya na wala sa bahay ang magulang ng mga biktima dahil nakikilamay sa kapitbahay kaya tanging naiiwan ang mga ito nang sumiklab ang sunog.
Inihayag ni Villaroya na maaring nagsimula ang apoy nang inaabutan ang kurtina na malapit sa mesa na pinaglagyan ng lampara kaya naganap ang sunog.
Dagdag ng opisyal na tinangka pa sana ng 10 anyos na si Wilgie Marcelino Jr na gisingin ang kanyang dalawang kapatid subalit hindi na ito kumibo dahil sa himbing ng tulog kaya tumakbo na lamang at hinanap ang kanilang ama.
Tinangka pa ng ilang kapitbahay na iligtas ang magkapatid subalit mabilis ang apoy dahilan na hindi na makilala ang mga ito at naputol na ang mga ulo.
Panghihinayang at paghihinagpis na lamang ang naramadaman ng mag-asawang Wilgie Sr at Rodelyn Marcelino dahil sa kawalan ng kanilang dalawang paslit pang mga anak.
Kumbinsido naman ang mga imbestigador na walang foul play sa pangyayari na nagtala ng structural damage na halos P9,000 noong nakaraang gabi.