CAGAYAN DE ORO CITY-Arestado ang isang sundalo at apat na kasama dahil sa pangha-hijack sa Upper Puerto nitong lungsod.

Paakyat sa naturang lugar ang dalawang cargo vehicles nang kinuha ni Army Cpl. Manolo Tilap at mga kasama ang ilang kargamento.

Sinabi ni Col. Ferdinand Barandon, 403rd Brigade Philippine Army Commanding Officer na hindi sila makikialam at hahayaan na lamang ang kanilang sundalo na harapin ang kinasangkutang nitong krimen.

Ayon kay Col. Barandon, nakatakda na sanang mag retiro si Tilap at sa katunayan ay pirmado na niya ang dokumento nito para sana sa paglisan sa serbisyo.