CAGAYAN DE ORO CITY-Patuloy pang tinutugis ng mga pulis ang tatlong suspek na pumatay sa kanilang kamag-anak sa Purok 3 Base Camp Maramag Bukidnon.

Kinilala ang mga ito na si Juven Jerven at ang magkapatid na sina Christopher at Roland Jorillo na pawang mga residente sa nasabing lugar.

Sinabi ni Maramag Municipal Police Station Commander Lt. Col. Casan Ali na pauwi na ang lasing na biktimang si Julieto Orlasan, 37, nang biglang pinagtataga ng mga suspek ng bolo at sinaksak ng kutsilyo sa ulo at likod.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay.

Ayon kay Ali, nag-ugat ang away noong nakaraang taon dahil lamang sa pinutol sa saging.