CAGAYAN DE ORO CITY-Arestado ang isang magsasaka na naugnay sa kasong pagpatay matapos ang halos dalawang dekadang pagtatago sa batas sa Purok 4, Barangay Basac, Lantapan Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Joven Gawahan, 46, at residente sa Barangay Lirongan Talakag sa naturang lalawigan.

Hinuli si Gawahan sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong double murder.

Nakatakdang iharap ang nahuling suspek sa issuing court.