CAGAYAN DE ORO CITY-Hindi lubos akalain ng pamilya ng isang magsasaka na magtatapus ang kanyang buhay sa pagtangging makipagsuntukan sa isang lasing sa Purok 7 Brgy. San Roque, Maramag Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Valerio Pascua, 51, habang ang suspek naman ay ang kapitbahay nito na si Reynante Cesar na residente sa nasabing lugar.

Sinabi ni Police Staff Sergeant Jessie-ar Carreon ng Maramag PNP, pilit umiwas papalayo ang biktima ngunit sinundan ito ng suspek at sinaksak sa dibdib gamit ang kutsilyo.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian na ito ng buhay.

Aniya, agad namang sumuko ang suspek matapos ang ginawang krimen.