Ligtas na nakalanding sa Israel ang mahigit 170 pasahero ng Flydubai sa gitna ng lumabas na ulat tungkol sa attempted crash o pagtatangkang pagpabagsak sa eroplano sa biyaheng mula Dubai.
Batay sa ulat na nakuha ng Bombo International News Correspondent sa Israel na si Diana Panes, pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang alegasyon na inatake at sinaksak ng Omani na co-pilot ang kapitan upang ipabagsak ang eroplano na itinuturing ngayong aksyon ng terorismo.
Dahil dito, tinulungan ng isang pasaherong dentista ang nasagip na kapitan upang mabawi ang kontrol sa eroplano at makagawa ng emergency landing sa Saudi Arabia.
Agad na nakapagpatuloy ang mga pasahero patungong Israel habang patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa posibleng kaugnayan ng pananaksak sa kaguluhan sa Gaza.











