Umabot sa mahigit isang daan siyamnapu’t apat na libong mga pamilya sa Northern Mindanao ang itinuturing na mahirap o nasa ibaba ng poverty threshold noong taong 2025.
Sa pakikipag-usap sa Bombo Radyo kay Jenelyn Las Pobres, Senior Statistical Specialist ng Philippine Statistics Authority o PSA Region 10, ipinaliwanag nito na umabot sa 14.4 porsyento ang poverty incidence ng mga pamilya sa rehiyon.
Sa mga lalawigan, ang Bukidnon ang nanguna na may 84-libong mahirap na pamilya, na sinusundan ng Misamis Oriental na may 53-libo, at Lanao del Norte na may 43-libo. Samantalang sa mga highly urbanized cities, nagtala ang Cagayan de Oro ng 10-libong mahirap na pamilya at 7-libo naman sa lungsod ng Iligan.









