Mananatiling nakatutok ang seguridad sa lahat ng paliparan sa Rehiyon 10 kahit pa man sa matagumpay at maayos na pagtatapos ng kampanya laban sa Ligtas Undas 2026.
Sa pakikipag-usap sa Bombo Radyo kay Police Lieutenant Colonel Mardy Hortillosa II, Assistant Chief ng Aviation Security Unit-10, ipinaliwanag nito na kahit pa man sa mga naantalang biyahe ng eroplano sa mga nakaraang araw, mabilis pa rin itong nakontrol at naibalik sa normal na daloy ng mga awtoridad.
Ayon kay Hortillosa, hindi nila i-downgrade ang ipinatutupad na heightened security status sa Laguindingan, Ozamiz, at Camiguin airports bilang paghahanda na rin sa pagdagsa ng mas maraming pasahero para sa darating na holiday season.









