Isang patunay ng maayos na pamamahala at magandang sistema ang pagkamit ng LGU-CDO Human Resource Management Office sa Level 2 Bronze Award sa ilalim ng PRIME-HRM o Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management ng Civil Service Commission (CSC).

Ipinahayag ni City Information Officer Jade Adeser na nakatanggap ng 100% evaluation rating ang lungsod dahil sa kaayusan ng recruitment, performance, at welfare ng mga empleyado.

Isinalaysay ng opisyal na ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng lungsod na nakamit ang pambansang parangal sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Klarex Uy at HRMO Officer Xsyclyn Faith “Kansai” B. Lumbatan.

Sa pamamagitan ng ginanap na “Parangal at Pasalamat” program ng CSC Region 10, pinatunayan ang patuloy na pag-unlad ng serbisyo at pagpapahalaga sa mga kawani ng City Hall.