Binatikos ng Alliance of Concerned Teachers ang inilabas na 2027 badyet dahil sa pananatiling napondohan ng mga pork barrel at mga proyektong hindi nagbibigay ng tunay na benepisyo sa mamamayang Pilipino.

Ipinahayag ni ACT Teachers Northern Mindanao Coordinator Roland Cruz na kinakailangang magkaisa ang lahat sa pagbabantay at pagtutol sa pondong nagsisilbi lamang sa ilang tao sa pamahalaan.

Dagdag pa ng opisyal, nakalulungkot na imbes na ilagay ang pondo sa serbisyo ng edukasyon at pangangailangan ng publiko, inuna pa ang mga kwestyonableng alokasyon.

Kaya naman nanawagan ang grupo sa pambansang pamahalaan sa pagpasa ng tunay, transparent, at makataong badyet na maglilingkod para sa ikabubuti ng lahat.