Hinarap ng isang legal and development expert ang pamahalaan na iprisinta ang malinaw na prayoridad sa pondo ng bansa matapos ideklarang unconstitutional ang General Appropriations Act sa mga nakaraang taon.

Batay sa inilabas na pagsusuri ni Atty. Samson So Tan ng Liceo de Cagayan University College of Law, kinakailangang ipaliwanag ng pangulo ng bansa kung saan napupunta ang kanyang mga ipinangakong batayang serbisyo tulad ng murang bigas.

Ipinaliwanag ng abogado na sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pagtaas ng bayarin sa utang ng bansa na nagdadala at nagpapadami sa mga taong nagugutom at nagdurusa sa hirap.

Dahil dito, hinimok ng opisyal ang pamahalaan na itigil ang pag-abuso sa pondo upang magkaloob ng tunay na awa at tulong sa mga mahihirap.