CAGAYAN DE ORO CITY-Pinatibay pa ng mga kadete ang paglaban para matigil na ang kultura ng mga pagmaltrato o hazing sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.
Ito ay matapos pumirma ng isang manifesto upang ihayag ang kanilang pagtutol sa anumang pananakit ng mga kadete na hindi bahagi sa mga itinuro sa loob ng akademya.
Sinabi sa Bombo Radyo ni PMA spokesperson Capt Cheryl Tindog na lahat ng mga kadete ay naghayag na walang puwang ang culture of hazing upang hindi na mauulit pa ang karumaldumal na pagkamatay ni late Cadet 4th Class Darwin Dormitorio noong Setyembre 18.
Inihayag ni Tindog na naghayag rin ang mga kadete ng isang paninindigan na hindi na mauulit pa sa kanilang panahon at maging sa susunod na henerasyon ang ilang pang-aabuso sa loob ng PMA.
Magugunitang dahil sa nangyari kay Dormitorio,nagbitiw si Cadet 1st Class Ram Michael Navarro bilang brigade commander of the cadet corps sa PMA Masidlawin Class of 2020.