CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghugutan pala ng lakas at inspirasyon ni late Philippine Military Academy (PMA) Cadet 4th Class Darwin Dormitorio upang pumasok ng pagka-sundalo ang limang buwan na pagtugis ng state forces laban sa Maute-ISIS terror group sa Marawi City,Lanao del Sur.

Ito ang pag-amin sa tiyahin na si Michelle Dioso Usman nang isinasalaysay nito kung anong klase na bata lumaki si Darwin habang puno ng pangarap na maging sundalo.

Inihayag ni Usman na matapos umanong pumutok ang kaguluhan sa Marawi at nalagasan ng marami ang state forces,gumawa nang panalangin si Dormitorio at ang ilan sa kanyang mga kaanak para hindi na magtagal ang digmaan.

Sinabi pa nito na malaking tuwa at pagmamalaki na lamang umano ni Darwin nang ina-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtagumpay ang state forces na mapulbos ang mga terorista noong Oktubre 2017.

Si Michelle Dioso Usman

Magugunitang nai-kuwento rin ng elementary classmates ni Darwin na bata pa man sila ay nakitaan na nila ito ng army qualities lalo pa’t retiradong opisyal ng sundalo ang ama nito kaya binansagang ‘The Captain.’