CAGAYAN DE ORO CITY – Napahanga ang kapatid ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr na si Senator Imelda Josefa Remedios ‘Imee’ Marcos sa ipimalas na pagkakaisa ng local elected officials ng Cagayan de Oro City at Misamis Oriental.

Ito ay sa kabila pa ng kanilang pagkakaiban ng politika na inaaniban noong kasagsagan ng May 9 elections hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi ng senadora na kakaiba rin ang klima ng politika na namumuo sa syudad lalawigan dahil isinantabi ng incumbent officials ang pagkakaiba ng kanilang personal interest sa ngalan ng pagkakaisa at pagsisilbi ng mga kababayan nito.

Binanggit sa panganay na anak ng Marcos na si Imee na sina incumbent City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy,Misamis Oriental Governor Peter ‘Senior Pedro’ Unabia at 2nd District Congressman Bambi Emano na pambihira sa kanilang pagkakaisa sa ngalan ng serbisyo publiko.

Dagdag nito na dito umano niya nakikita ang totoong kahulugan ng ‘UNITEAM’ ng tambalan ni Marcos Jr at Vice President Sara Duterte dahil nasaksihan niya ang political unification ng tatlong malalaking opisyal ng lungsod at probinsya.

Si Klarex ay nagmula sa local political alliance na mahigpit na katunggali ni Unabia at Emano subalit na kapwa naman sila nanalo sa kanilang mga tinakbuhan na posisyon noong nakaraang halalan pero mas tinahak nila ang pagkakaisa kaysa magkawatak-watak.

Ito ang bagay na hinangaan ng senadora ng kanyang masaksihan habang sinaksihan ang cash distribution ng AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situations) program ng DSWD at pamimigay na rin ng ‘nutribuns’ sa mga tao na naimbitahan sa post-birthday activity nito na ginawa sa syudad at lalawigan.

Una rin nito,binigyang diin ni Emano sa harap nina Imee,Klarex,Unabia at ibang local officials kasama ang libu-libong AICS benefeciaries na nagtitipon sa Dome ng Tagoloan,Misamis Oriental na maging siya ang kumilala sa pambihirang pagkakataon na napag-isa ang local elected officials ng Cagayan de Oro at Misamis Oriental.

Magugunitang ang pamilya Emano,Uy at Unabia ay ang mga malalaking angkan ng mga politiko sa kasalukuyang political landscape sa syudad ug lalawigan.

Si Emano ay dating provincial governor samantalang si Uy ay former three term 1st district congressman ng syudad habang si Unabia ay nagsilbi noon na two-term congressman ng primiro distrito ng Misamis Oriental at napiling bise-mayor ng Gingoog City bago nahirang na kasalukuyang gobernador.