CAGAYAN DE ORO CITY- Nagpapatuloy parin ang isinagawang clearing operations ng militar laban sa mga nakasagupang miyembro ng Maute-ISIS inspired group sa boundary ng Piagapo at Balindong, Lanao del Sur.

Naka-engkwentro ng tropa ang walong terorista sa pamumuno ni alyas Zacariah.

Umabot sa 15 minuto ang bakabakan na nagresulta sa pagkamatay ng isang Maute member.

Narekober din sa lugar ang 1 M16 rifle; 4 na IED’s; dalawang kilong explosive components; at isang sakong bigas.

Ayon kay Westmincom spokesperson Major Arvin Encinas na hindi nila titigalang habulin hanggang maubos ang mga terorista.

Si AFP Westmincom spokesperson Major Arvin Encinas