CAGAYAN DE ORO CITY-Tiniyak ng Bureau of Internal Revenue (BIR)-10 na kanilang sasampahan ng kasong kriminal ang may-ari ng mga pekeng sugarilyo na nakumpiska sa dalawang bodega dito sa lungsod kahapon.
Sinabi ni Atty Jonaida Darimbang, ang legal counsel ng BIR na apat na mga violations sa tax code ang nalabag ng mga negosyante na gumamit ng peke na pakaging at peke rin ang mga stamps.
Umaabot sa P900-million ng mga pekeng YS Filter, Jackpot kulay green at asul, Bravo Cigarrettes kulay pula, Marvels, at brand na TWO MOON ang nakumpiska ng mga personahe ng National Bureau of Investigation (NBI) -10 at BIR sa bodega ng Gaisano Mall na nakabase sa Brgy.
Cugman, at isa pang bodega na walang pangalan sa diversion road Barangay Bayabas dito sa lungsod.